Entry 003


 

Iniwang Bakas

1.
Mga alaalang kay tamis balikan
Higit sampung taong mabilis dumaan
Mga pasilyo’t gusali’y naging saksi
Sa buhay nating walang iniintindi

2.
Sa berdeng pisarang ating sinulatan
Naro’n pa kaya bakas ng kabataan?
Sa gitna ng klase’y isip naglalakbay
Pinapangarap kinabukasang buhay

3.
Ano na’ng narating sa ‘ting paglalakbay
Sino na ba akong aking tinataglay?
Magbago pa man ang anyo at pananaw
Sa ‘ki’y mananatili kang dating ikaw

4.
Pinagmamasdan luma nating larawan
Magkahalong seryoso at halakhakan
Mga tinig nati’y umaalingawngaw
Sa saliw ng kahapon ay sumasayaw

5.
Makikita pa ba ang ngiti mong dati
Nagpapahiwatig at may sinasabi
Sigla sa mata’y hindi ba mawawala
Sa ating paglaki’t marahang pagtanda?

6.
Babalik ako sa panahong lumipas
Doon kukunin ang babauning lakas
At nang masagot mga tanong ng bukas
“Makabuluhan ba’ng iniwan mong bakas?”

2011.07.03 | rev 2011.08.17

This poem is dedicated to my Batch 2001 class in high school. I finished high school at the Palawan State University – Laboratory High School.

This year we are having a reunion; I hope I can graze the event

To my dear classmates, wherever you may be: I hope you’ll like this. ^^

Advertisements

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s