Entry 018


Sa Pag-iisa’y Di Ka Talaga Nag-iisa

Sa pagbubukas ng bintana
May papasok pa kayang hangin?
O mananatiling mainit ang gabi
At nakasasakal ang amoy
Ng silid na tahimik?

Wala na ang sigla ng ilaw
Mahina na ang kurap
Anumang oras maaaring mamatay
At maiwang madilim ang lahat
Gaya ng pusong unting lumalamig

Ang mga tala’y di na gaya ng dati
Hindi mabanaag ang kanilang sigla
O inaagaw lamang ito ng nagdaraang ulap?
Walang nangungusap sa kanila
Wala nang marinig ang lupa

Marami na ang nangyari
Lahat sila nagpupumilit
Na dumaan sa alaala at muling masariwa
Masakit limutin ang masasayang bagay
Unti-unting sumusugat sa loob

Sa pag-iisa’y di ka talaga nag-iisa
Ang sarili man ay mangungusap
Makikipagkwentuhan pa ng sari-sari bagay
Bagay na pawang alam ninyong dalawa
Ganyan pag kasama mo ang kalungkutan

2011.12.11~12, rev 12.14

Advertisements

3 thoughts on “Entry 018

  1. Maganda ang pagkagawa… parang ikaw na ikaw ang nagtutula bro! All I can say is that the style, composition, rhymes, and patterns simply describes you. So i can or we can call it The Irvin’s Style? ahaha! okey! Kitang kita sa tula ang theme nya…”sadness”. Pag binabasa ko ulit ang tula mo ay naiimagine ko ang isang bata o siguro teenager na nakadungaw sa bintana at tinitingnan ang mga tala…parang yung sa kantang “when you wish upon a star” at makikita mo si pinocchio o si cricket na nakatingala sa langit. Pero i think (criticizing na..heheheh) dpat sa una nag-isip ka ng setting sa tula mo…i think di nagkatugma kasi. halimbawa, sa pagbukas ng bintana, mainit…parang ang setting mo eh nasa urban ka??? di naedescribe ng pailalalim ang setting…kasi kung nagbukas ka ng bintana ng gabi..usually sa probinsya kasi malamig ang hangin…sa syudad lang naman mainit pag gabi. hehe. i think kasi mas tutugma ang ganitong masarap na tula kung maiimagine ng magbabasa ang setting at nandoroon din sya… hmmm…. that’s it for now muna. ba bye, haha!

    • Thanks for the comment. I was showing contrast that would air enter if I opened a window or would the air remain dry, causing not a stir or movement. Thanks, anyway. This is open for various interpretation. I could be wrong, I could be right. Or I could be neither.

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s