Entry 023


Paano Ba ang Mamaalam?

Pansinin ang araw, kung iyong mahintay
Nagsasabog ng ilaw bago humimlay
Para sa iyo kanyang ibinibigay
Isang pabaon sa hapo’y mga kulay

Di ko alam kung paano mamaalam
Ako ba’y lalapit nang ika’y mahagkan
O kaya tumalikod, kumaway na lang
Hindi madaling makita kang lumisan

Mayroong gawi ng madilim na gabi
Di mo nalalamang siya ri’y nasasawi
Ninanakaw niyang lagi ang mga hikbi
Upang paggising mo’y may saya at ngiti

Paano ba ako hihingi ng tawad
Upang ipagluksa ang dulot kong sugat
Dala mo ay pasang higit na mabigat
Nang nakilala akong ‘sang walang ingat

Ang hangin mabilis lamang kung dumaan
Di man maipaalam kanyang pangalan
Dumadampi, humahalik sa katawan
Saka nawawala, di tiyak kung nasa’n

Hindi ko alam gagawin kung paano
Walang ring maiwang mainam na payo
Marahil di na masasaktang totoo
Kung ako’y maunang maglaho, lumayo

rev 2012.01.29

This is a farewell poem I wrote last night.

Advertisements

3 thoughts on “Entry 023

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s