Para sa Aking Ama

Sa umaga pagdungaw sa langit
Inaaliw ang pusong mapilit
Tuklasin nga ang mundong malawak
Manahan ngayon na nagagalak

Ang parang, sa talahib ay hitik
Damong ligaw yumayakap higpit
Tumatawag na doo’y magtungo
Inaaya kang magpakalayo

Paghapon nga’y babathin ang araw
Dulot matinding init at uhaw
Sa sangang lilim ‘ka’y magpahinga
Magpatuloy maglakbay pagdaka

Hanggang marating ang karagatan
Laruin mo ang tubig sa pampang
Ipaanod ang sákit mong taglay
Papalayo sa balsang magiray

At sa pagyakap ng hanging gabi
Masdan mga bituing nakasindi
Pakaisipin ganitong tanaw
Kung sa wari ikaw ay bibitaw

Ang kalawaka’y hindi nagbago
Iisa pa rin ang kanyang anyo
Liwanag ng buwa’y laging malamlam
Tulad ng puso paminsan-minsan

2012.07.06

Image0806

I wrote this poem for my father, Alexander, for his 59th birthday this July. I hope he liked it when I gave him his copy. Well, how would I know? I never asked him about it. I may not know how he took my writing but I am happy I was able to write him a poem. (Note: He succumbed to his illness by October that year.)

Advertisements

4 thoughts on “Entry 033

  1. nai-imagine ko habang binabasa itong tula kung ano ang facial expression ng iyong ama (sumalangit nawa). Naimagine ko rin ang malamig at malinis na hangin na sa bukid mo lamang malalanghap. Ganundin ang paglipas ng oras habang iniimagine ko ang bawat lugar na iyong binanggit sa tula. masarap mamasyal sa bukid. . .

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s