Entry 041


Huwag Akong Ngitian

Hindi ako naniniwala sa ngiti
Ang kahuluga’y di tunay na mawari
Isa ngang kasangkapan ng panlilinlang
Kinukuha ang loob ng walang muwang

Hindi tunay ang naririnig kong tawa
Panandalian lamang repleksyong saya
Hahalinhin ang mahabang kalungkutan
Babaluting mahigpit yaong katawan

Huwag ipakita nagagalak na mata
Hindi rin tatagos sa aking pandama
Anupa’t nangungusap ang balintataw
Pagtuya’t pagtawa ang inaaninaw

Huwag magsalita sa akin ng papuri
Batid kong laman nito’y hindi pagkasi
Bagkus nakasanayan lamang banggitin
Dadaan sa pakinig, di mapapansin

Ganiyon aking itutugon sa lahat
Sa inyong nagpasakit at nagpabigat
Ng aking damdaming ‘sang mahinang kristal
Nagdulot ng lamat ngayo’y nakakintal

2012.10.16

Advertisements

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s