A Eulogy for My Father

My father, Alexander dela Cruz Arenas, died on the afternoon of 27 October 2012, a Saturday. He was 59. The cause was by complications due to internal hemorrhage  on the pretext of pancreatic cancer.

When he was diagnosed of that dreadful illness two and a half years ago, I knew my life just entered the gates of change–an inevitable one, something that I had to go through in any form. But this form was indeed dismal. He died at my watch. Still I was grateful to be there but at the same time regretful for being naive at not seizing the time to tell an encouraging thought to make him feel relieved of the emotional and physical pains in this world.

I had prepared a eulogy in case a need arose. But I didn’t get to tell the people at the interment. But this is the copy of the eulogy that “should have been” spoken:

“Sa pangalan ng sambahayan ni Alexander dela Cruz Arenas, maraming salamat sa inyo.

“Naririto tayo ngayon upang saksihan ang isang pagtitipon na karaniwang inilalarawan bilang “huling hantungan” ng isang yumao. Subalit naniniwala akong hindi ito ang huling hatungan ng isang tao.

“May susunod pa rito–iyon ang panahong haharap ang mga tao sa hukuman ng Dios upang tumanggap ng paghatol.

“Madalas pinagkakamalian na ang kamatayan ay ang katapusan ng buhay. Sa aking palagay, hindi rin gayon. Naniniwala ako na ang kamatayan ay bahagi ng buhay. Manapa, ang mabuting isipin natin ay ito: na ang kamatayan ay isang pagtulog–isang mahabang pagtulog–hanggang sa buhayin na mag-uli ang lahat sa paghuhukom.

“Kilala natin si Alexander Arenas sa iba’t ibang mukha. Marami siyang ginampanang papel sa mundo–bilang isang anak, kapatid, katrabaho, kaibigan, kababata, kaaway, asawa, at iba pa.

“Sa pagsasama-sama ng mga mukha o pagkakilalang ito nabubuo ang isang identidad ng tao.

“Alam kong marami siyang nabuong alaala ayon sa papel na kaniyang ginampanan sa inyo. Sa ganang akin, kilala ko siya bilang ama.

“Sa totoo, hindi ko tiningnan nang diretso ang kaniyang labi. Hindi ito dahil sa kawalang-paggalang o pagmamahal kundi dahil nais ko siyang maalaala sa mga araw na siya’y nabubuhay. Mas nanaisin ko pang isipin siya bilang isang mapayat na may sakit dahil ito ay isa niyang larawan bilang isang nabubuhay na nilalang.

“Ganito talaga ang disenyo ng mundo–kung ikaw ay binigyan ng buhay, darating din ang panahong kailangan mo ring mamatay. Ganiyan na ang likas na kalakaran sa mundo.

“Bawat nabubuhay na tao ay mapalad sapagkat may pagkakataon siyang maranasang mabuhay ayon sa kaniyang nais. May pagkakataon siyang magmahal, mahalin, masaktan, magkamali, magtagumpay, at marami pa. Sa kamatayan, humihinto ang lahat ng mga gawa at pag-iisip. Nawawala ang pakiramdam at anomang kaalaman.

“Kung iisipin, isa ring magandang yugto ang kamatayan sapagkat magagawa mong magpahinga. Sa ganitong pag-iisip, hindi marapat na katakutan ang kamatayan.

“Noong siyang namatay, pinilit kong hindi lumigid ang luha sa aking mga mata. Tanggap ko na noon pa ang ganito.

“Siyempre nalulungkot tayo dahil sa pagkawala ng isang mahal sa buhay. Ngunit pansining tayo ang nakararamdam noon. Pero para sa taong dinapuan ng isang sakit at lubha nang nahihirapan, marahil kagalakan na sa kaniya ang magpahinga. Kung ganito tayo mag-iisip, mas madaling matanggap ang pagkawala ng isang tao.

“Mapalad pa nga na hindi siya namatay sa digmaan na kaniyang sinuong bilang isang kawal ng bansa, ni sa aksidente. Alam kong nakapaghanda rin siya. Nasambitla niya sa ilang pagkakataon na ‘Mamamatay na yata ako’. Para sa akin, isang kapalaran na malaman mong mamamatay ka dahil may pagkakataon kang maghanda.

“Noong siya’y nagkasakit, inihanda ko na rin ang aking sarili. Nakapanood din ako ng mga pelikula na may tema ng kamatayan. Sasabihin marahil ng iba na kakaiba ako. Sa pamamagitan ng mga pelikulang aking napanood, nakita ko kung paano tinatanggap ng iba ang kamatayan ng isang mahal sa buhay. Ipinakita sa mga iyon ang posibleng taglay na kalakasan ng isang naiwan. Isa itong positibong pagtingin sa kamatayan, dahilan kung bakit hindi ako gaanong nalulungkot ngayon. Kumbaga, naubos ko na ang luha sa mga pelikula.

“Isang kaisipan ang maiiwan ko sa lahat: Gawin ang mabubuting bagay habang nabubuhay. Ipakita ninyong mahal ninyo ang isang tao habang siya’y nabubuhay pa. Hindi natin alam ang ilalabas ng bukas. Wala nang pakiramdam at kaalaman sa kamatayan. Hindi na alam ng isang yumao na siya’y iniyakan at tiningnan at binisita at pinaglamayan. Hindi niya batid na may nagbantay na sundalo sa kaniya at binigyan siya ng parangal ayon sa kaugaliang militar ng pagtugtog ng banda, pagparada, at gun salute. Lahat ng ito ay wala nang halaga sa kaniya kundi isang seremonya na lamang para ating saksihan at pag-usapan.

“Mahalin at igalang natin ang tao habang siya’y nabubuhay. Sa ganito siya’y tunay nating pinararangalan. Salamat po.”

DSC_0291

***

In a related note, I wrote a poem to my father on his last birthday. I didn’t know his reaction and thoughts about my work for we never talked about it. We “worked” in that way.  But I knew he brought it to his heart.

Advertisements

7 thoughts on “Entry 043

  1. From Lola Pin: “I was truly moved by your sincere expression of feelings on the death of your father.”

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s