My good friend, Ara Maj Sevilla, is now happily (and stressfully) wed to her man Christian Cruz. I wonder how she’ll be writing her name and signature from now on: Ara Maj Sevilla-Cruz? or Ara Maj Cruzova (following Russian or Slavic nomenclature, just joking)?

CAM00140

Anyway, I wrote something for her and her “victim”. Just hope she likes this. Au usual, untitled.

Congratulations! Stay cleaved in each other’s comfort (and discomfort). Become good parents of this society. Stay until one reaches the grave.

Ano itong pakiramdam
Sumasapi sa katawan?
Mainit at sumisiklot
Minsa’y nakahihilakbot

Lahat ay magkakahalo
Sa puso’y nakagugulo
Pabago-bagong emosyon
Di mawari ang desisyon

Tutuloy ba o hihinto?
Uupo ba o tatayo?
Lilipad ba o babagsak?
Magiging buo o wasak?

Ganyan nga ang umiibig
May tinig na naririnig
Sa isip ay nagwiwika
Dapat ka bang maniwala?

***

Ngunit iwaksi ang lahat
Sa halip ay mapanatag
Damhin loobang sarili
S’yang magtuturo sa kasi

At kung kayo’y magkatagpo
Isang himalang nabuo
Kalikasan ang nagdikta
Kayong dalawa’y magsama

Ang buhay ninyo ay isa
Maging mga kaluluwa
Sabay na sa paglalakbay
Magkasamang magkaakay

***

Ano na ang nadarama
Ngayong nababatid mo na?
Patuloy ka nang lilipad
Sa langit na nakatambad

Gayundin ang kaulayaw
Sa tabi mo’y sumasayaw
Sa ningning ng iyong ganda
Sa musika ng pagsinta

The newlyweds!

The newlyweds! The bride was stunning. The groom was pouting? : p

Advertisements

2 thoughts on “Entry 045

  1. Irvan! We both love the poem. We’re looking for frames so we can put your gift up on our wall. 🙂 see yah soon!

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s