Bagong Yugto
Sa pagmulat ng mata sa bagong araw
Sari-saring aninong maaaninaw
Malamlam pa ang liwanag ng umaga
Malabo pa ang mga matang napigta
Bumangon sa pagkakataong di piho
Humakbang sa lapag na pabagu-bago
Kumapit sa hangin na pabugso-bugso
Kumilos palabas sa kulob na mundo
Hayaang mabulag ka pansamantala
Hihilumin din ang kirot ng ‘yong luha
Ang pusong lipos ng totoong pag-asa
Magbabalik ng ‘yong paninging nawala
Kung gumiray man sa lansangang mabato
Tumindig ka at buong lakas tumayo
Isiping mabuti daang tatahakin
Simulan mo na ang malayong tunguhin
Iwan ang lungkot ng gabing nakaraan
Iwaksi ang bawat sakit naramdaman
Ngayo’y bagong yugto sa iyong harapan
Lubhang magalak mabunying kapalaran
Another poem I wrote almost instantaneously for a work mate, Ms April Demaluan, who has recently moved to a higher professional ground.
maganda naman, pero bakit inihalintulad mo sa “gabi” ang unit naten!!!