Entry 050


Pangitain ng Unos

Mamiminsala ang malakas na hangin
Tangan ang taghoy at ungol na mariin
Sisiksik sa bawat singit ng kakahuyan
Bubuwagin ang anumang madaanan
At guguluhin ang ayos ng lahat ng bagay
Sisirain ang bawat nakagawiang buhay
Ililipad ang anumang mahina at walang lakas
Ibabagsak sa isang dakong di binabagtas

Uulos ang ulang nakasusugat
Sumasampal ang bawat isang patak
Lulunurin ang isip na di na kayang bumatá
Buburahin ang mga binuong alaala
Sasagitsit nang may matinding bugso ang ulan
Katulad ng mga bomba sa langit ng digmaan
At sasabog kapag sa lupa’y nakaharap
Kikitil ng lahat mong inihandang pangarap

Aanurin ng rumaragasang tubig ang kaligayahan
Ipapadpad sa dakong di na matatagpuan
Walang matitirang bakas ng mainit na saya
Kundi ang malamig na yakap ng pag-iisa
Mananatiling abo ang kulay ng kalangitan
Nagsasalaysay ng luksang kalungkutan
Isabay mo ang pagluha sa buhos ng ulan
Ipaanod sa baha ang iyong pakiramdam

Ilang saglit pa, sisinag din ang araw
Tapos na ang unos, tapos na ang lahat

2013.03.19

Another poem that suddenly popped to my head and forced my fingers to tap the computer keyboard. This is about a feeling of helplessness one can imagine and be imbibed with during a difficult storm.

The last line can be interpreted in two (or more) ways. Choose which best suits you. I, for my part, have chosen too. And I’ll keep it a secret.

Advertisements

4 thoughts on “Entry 050

  1. aus! hahaha …Sisiksik sa bawat singit ng kakahuyan – mainam siguro kung ang iyong gagamitin ay sulok o pagitan kysa nmn s singit

    • I have the artistic license. Hahaha. mas maigi ang mga singit ng kakayuhan. pag sulok kasi parang polygonal ang hugis dahil sa mga sulok. : p

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s