Entry 055


Ikaw Na Nakauunawa

Ikaw na isang hinirang sa lupain
Nasa ‘yong dibdib magaling na layunin
Na maibsan ang hirap at ang hilahil
Ng bayan upang sa tagumpay humimpil

Ikaw na nalalaman ang kabutihan
Magtindig at sa tao ay ipaalam
Maliwanag na bukas ay siyang sisilay
Payapa’t sagana di maghihiwalay

Ikaw na namulat sa katotohanan
Magsilbing gabay sa nangaguguluhan
Mahimok silang nangag-aalinlangan
Ng iyong mga wikang nakatatahan

Ikaw na mayro’ng tangang kapangyarihan
Na mabago ang wani na nakagisnan
Pag-ingatang mainam ang bawat galaw
Kung malisyâ’y mapapahamak ang saklaw

Ikaw na nakakalag sa kamangmangan
Igapos mo ang tao sa karunungan
At bigkisin sila sa pagkakaisa
Kaunlaran at kaloob na ligaya

Ikaw na nakauunawa ng lahat
Tulungang payabungin ang mga pangkat
Nang maabot nila buhay na mapalad
Mula ngayon hanggang sa sunod na bungad

2013.09.17, rev 09.19

This is another poem I produced to reflect on a new career that I might be pursuing (albeit gradually, almost imperceptibly). I’m studying right now and I hope I can imbibe the sense of this poem as I live my life one day at a time.

Advertisements

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s