Entry 060


Some of my thoughts last night in the form of poems

hinahabol ng tingin
ang papalayong naglalakad
“hanggang kailan
ako maghihintay?”

at mawawala
sa hangganang linya ng kalsada
kasama ang kanyang tanong
na walang tiyak na sagot

***

sinasalat ng mata
ang dilim sa pinid na silid
nagtatawag ng liwanag
na saglit bubulag sa mata

umaga na sa labas
ngunit nananatiling gabi
sa loob niyang tinutuya
ng solitaryong pananatili

***

pigain man ang isip
walang alaalang kumakatas
walang maliligayang sandali
na maaaring balikan

dumaraang parang agos
ng ilog na di maaaring bumalik
ang bawat nakaraan
palayo sa pinaggalingang bukal

Advertisements

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s