Entry 092


Naaalala Ko

Naaalala ko

Kung paanong naguguhitan ang kahel na langit
ng mga ibong sama-samang lumilipad
nang nasa ayos na kanilang sinusunod
habang ang liwanag ay unti-unting nababawasan
at tumutunog ang sirenang hudyat sa pagtatapos ng araw

Naaalala ko

Kung paanong pinananabikan ang gabi
sapagkat magniningning ang mga bituin
at susundan ko ang mga linya ng mga konstelasyon
habang itinitingala ang kopya ng mapa ng kalangitan
at pinagtatawanan ng isang sundalong bantay

Naaalala ko

Kung paanong minamalas ang mga binhi ng dipterocarp
na marahang umiikot hanggang makarating sa lupa
saka titipunin ko sa isang supot hanggang mapunô
at ihahagis ang isang dakot upang maulit ang paglipad
ngunit mabilis na lamang ang kanilang paglapag

Naaalala ko pa ang maraming tagpo
ngunit pawang alaala na lámang lahat
Naaalala ko sapagkat hindi na maibabalik
ang payak at inosenteng búhay

2016.01.10 Pasay

Advertisements

5 thoughts on “Entry 092

  1. Wow! Just wow. This reminds me of a Tagalog poem I’ve been keeping in my drafts until now. Ang lalim at ang galing. I hope you continue to write more of these. I think it’s about time to uplift our form of art and introduce it’s beauty to the world. 🙂

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s