Mabining Mandirigma

Ang pag-aaral at paggunita ng kasaysayan ay hindi lamang nalilimitahan sa mga silid ng paaralan, aklatan, at pagbisita sa mga pook. Itinatanghal din ito sa pelikula, teatro, awit, at sayaw.

Sa mga ito, sa palagay ko, mas mahusay ang pagtatawid ng kasaysayan dahil nabibighani nito ang lahat ng sentido ng tagatunghay.

Nitong mga nakaraang taon, mapalad kong napanood ang dalawang musikal na pumapaksa kay Apolinario Mabini, ang tinatawag na dakilang lumpo.

Ang mga ito ay Ang Huling Lagda ni Apolinario Mabini (2014) ng Dulaang UP at ang Mabining Mandirigma (2015/2016) ng Tanghalang Pilipino. Kapwa nila itinanyag ang kahusayan at totoong matibay na paninidigan ni Mabini bilang isang rebolusyonaro, samantalang ibinubunyag din ang kataksilan at inepisiyente ng ilang tauhan sa kasaysayan, kabilang na si Emilio Aguinaldo.

Pangalawang pagkakataon ko nang mapanood ang Mabining Mandirigma. Una noong 2015 at ngayong taon. Kapag naibigan ko ang isang palabas, tiyak na panonoorin ko itong muli.

Ang libretto ay isinulat ni Nicanor Tiongson, ang musika ay inilapat ni Joed Balsamo, at ang palabas ay idinirihi ni Chris Millado.

Ang maganda sa Mandirigma ay ang paraan nito ng pagpapakilala ng kasaysayan sa mga manonood. Sa halip na history play, ginawang steampunk ang set design at pananamit. Sa halip na lalaking aktor, babae ang gumanap bilang Mabini (maging sa ilan pang tauhan).

Ayon kay Millado, “The casting choice also invoked multiple readings of the text: the Mabini ‘othered’ for his contrary political views and marginalized for his physical disability.”

Si Liesl Batucan ang gumanap bilang Apolinario Mabini sa ikalawang run Mabining Mandirigma (2016). Ang una noong 2015 ay si Delphine Buencamino.

Si Liesl Batucan ang gumanap bilang Apolinario Mabini sa ikalawang run Mabining Mandirigma (2016). Ang una noong 2015 ay si Delphine Buencamino.

Hindi lingid na laganap pa rin ang mababang trato sa kababaihan, na sila ay itinuturing na pangalawang uri.

Mahusay ang musika ni Balsamo. Pagkatapos ng palabas, mauulinig pa rin sa isip ang musika niya. Sa ganito totoong nagtagumpay siya. Gayon din ang titik mula sa libretto ni Tiongson: malamán at madaling sundan. Halimbawa ay ang pangunahing awit na na may ganitong titik:

Mahalin mo ang Pilipinas
Nang higit sa ‘yong sarili
Pamana siya ni Bathala
Pag-asa ng ‘yong lahi

Ibinubuod nito ang sampung puntos ng “El Verdadero Decalogo” na isinulat ni Mabini noong 1898. Nangungusap ang mga linyang ito sa manonood, na ipinahihiwatig na ang kasaysayan ay hindi lámang mga pangyayaring nagdaan, kundi mga salaysay na lalong tumitingkad ang saysay kung nauunawaan ng tao. Ang búhay ni Mabini at ang kanyang paninidigan ay marapat gunitain at tularan ngayon at sa susunod na panahon.

Masasabi kong napakahusay ng tambalan nina Tiongson at Balsamo sa musikal na ito.

Nilahukán din ng adaptasyon mula sa ilang kilalang Amerikanong musika gaya ng “The Battle Hymn of the Republic” na nilagyan ng mga titik ng pagtuligsa sa imperyalismo ng America at ng “Go Tell It on the Mountain.” Natatandaan ko ring ginamit ang tema mula sa “The Stars and Stripes Forever.” At lalong nakaaantig ay ang adaptasyon ng “Jocelynang Baliwag” sa saliw ng gitara.

Kung hindi ako nagkakamali, ginamit din ni Balsamo sa isang tagpo ang ilang musika mula sa operang Sangdugong Panaguinip na mula sa panulat ni Pedro Paterno (mula sa orihinal sa Español) at may tugtugin ni Ladislao Bonus.

Nakamamangha ang pagganap nina Liesl Batucan (Mabini) at Arman Ferrer (Aguinaldo). Inihayag nila ang tunggalian nina Mabini at Aguinaldo tungkol sa maraming usapin, gayundin ang paggalang sa isa’t isa. (Sa ibang palabas, si David Ezra ang gumanap na Aguinaldo.)

Magaling din ang pagganap ng ibang aktor gaya nina Aldo Vencilao (Pepe), Paw Castillo (batang Mabini), Carol Bello (Dionisia), Kristofer Kliatchko (Antonio Luna), Jonathan Tadioan (Felipe Buencamino), JV Ibesate (Pedro Paterno), Marco Vinaña (Felipe Calderon), Karl Alexis Jingco (Gregorio Araneta), at Alfritz Blanche (Benito Legarda). Gayundin ang mga babaeng gumanap ng mga lalakeng tauhan na sina Hazel Maranan (William H. Taft), Arya Herrera (Arthur MacArthur) Queen Mia (Mark Twain), at Sigrid Macarena Balbas (J. Franklin Bell).

Narito ang ilang larawan sa mga tagpo.

Sina E. Agunilado, A. Mabini, at Pepe papunta ng Malolos

Sina Agunilado, Mabini, at Pepe papunta ng Malolos

 

Si A Mabini habang "nakikipagsayá" sa pagkakabuo ng konstitusyon

Si Mabini habang “nakikipagsayá” sa pagkakabuo ng konstitusyon

 

Si Aguinaldo sa pagdiriwang ng pagpapasinayà ng Republica Filipina

Si Aguinaldo sa pagdiriwang ng pagpapasinayà ng Republica Filipina

 

Isa sa mga photo op ng mga delegado ng Kongreso ng Malolos; mapapansing itinataboy si Mabini

Isa sa mga photo op ng mga kinatawan ng Kongreso ng Malolos; mapapansing itinataboy si Mabini

 

Isa sa mga aabangang eksena ay ang pagseselfi nina Aguinaldo at mga kinatawan sa Kongreso ng Malolos; si Mabini ay natatakpanan

Isa sa mga aabangang eksena ay ang pagseselfi nina Aguinaldo at mga kinatawan sa Kongreso ng Malolos; si Mabini ay natatakpanan

 

Nosotros somos los ilustrados Handang mag-alay ng talino't panahon Bumuo ng kongreso at ng konstitusyon Na ibabandila sa lahat ng nasyon

Nosotros somos los ilustrados
Handang mag-alay ng talino’t panahon
Bumuo ng kongreso at ng konstitusyon
Na ibabandila sa lahat ng nasyon

 

Isa sa mga pag-uusap nina Aguinaldo at Mabini

Isa sa mga pag-uusap nina Aguinaldo at Mabini

 

Nagtalo sina Mabini at Aguinaldo sa maraming pagkakataon; sasabihin ni Aguinaldo sa isang pagkakataon na "Hindi lang ikaw ang marunong magmahal sa lupang tinubuan. Iba-iba ang paraan sa paglilingkod sa bayan."

Nagtalo sina Mabini at Aguinaldo sa maraming pagkakataon; sasabihin ni Aguinaldo sa isang pagkakataon na “Hindi lang ikaw ang marunong magmahal sa lupang tinubuan. Iba-iba ang paraan sa paglilingkod sa bayan.”

 

Inihahatid ni Aguinaldo si Mabini, na nagbitiw na sa kanyang gabinete

Inihahatid ni Aguinaldo si Mabini, na nagbitiw na sa kanyang gabinete

 

Si Mark Twain na laban sa imperyalismo ng America sa bansa

Si Mark Twain na laban sa imperyalismo ng America sa bansa

 

DSC_0126

Si William H. Taft

 

DSC_0131

Si Arthur McArthur

 

DSC_0141

Si James Franklin Bell

 

DSC_0142

Si Mabini habang nakakulong sa ilalim ng mga Americano matapos mahúli sa Nueva Ecija

 

Si Mabini na ipatatapon bilang destiyero sa Guam

Si Mabini na ipatatapon bilang destiyero sa Guam

 

Isa sa mga nakatutuwang tagpo ang pagsayaw ni Mabini kasama ang mga anti-imperyalista

Isa sa mga nakatutuwang tagpo ang pagsayaw ni Mabini kasama ang mga anti-imperyalista

 

Si Mabini sa isang panaginip na nakikipag-usap sa kanyang ina at batang sarili; isa itong madamdaming tagpo sa musikal at sasabihin niyang "O sumpa ng Panginoon na ako'y maging lumpo habambuhay! Kay sakit na [...] mapagkaitan ng maliliksing mga paa na ipansusugod sa kaaway, ng malakas na mga kamay na makakahawak ng patalim, ng matipunong katawan na [ipambubuno] sa mga katunggali. Ito ba ang itinadhana sa akin--ang magkaroon ng maalab na pag-ibig para sa lupang tinubuan ngunit wlaang katapat na lakas upang lipulin ang mga kaaway ng bayan."

Si Mabini sa isang panaginip na nakikipag-usap sa kanyang ina at batang sarili

Kalarawan ng pinturang Spoliarium ni Juan Luna, ipinakikita sa tagpong ito ang paghila ng bangkay ni Antonio Luna

Kalarawan ng pinturang Spoliarium ni Juan Luna, ipinakikita sa tagpong ito ang paghila ng bangkay ni Antonio Luna.

 

Si Mabini sa kanyang epinaniya

Si Mabini sa kanyang epipanya

 

Sa tagpong ito isinasadula ang metapora ng Sangdugong Panaguinip, na nagtatanyag sa mga Americano bilang kaibigan o kakampi ng mga Pilipino (Filipino)

Sa tagpong ito isinasadula ang metapora ng Sangdugong Panaguinip, na nagtatanyag sa mga Americano bilang kaibigan o kakampi ng mga Pilipino (Filipino)

 

Si Mabini nang makabalik sa bansa at tanggapin ang bagong kalagayan ng bansa sa ilalim ng mga Americano; namatay rin siya matapos ang dalawang buwan

Si Mabini nang makabalik sa bansa at tanggapin ang bagong kalagayan ng bansa sa ilalim ng mga Americano; namatay rin siya matapos ang dalawang buwan

 

Tungkol sa pagsumpa ng katapatan ni Aguinaldo sa America ay sinabi ni Mabini sa musikal: "Dapat sana'y nanlaban siya o di ka kaya'y nagpabaril sa Bagumbayan nang sa gayon ay mapipího pa niya ang kanyang kadakilaan. Dahil hindi siya namatay, ang kanyang buhay ay magiging walang hanggang kamatayan."

Tungkol sa pagsumpa ng katapatan ni Aguinaldo sa America ay sinabi ni Mabini sa musikal: “Dapat sana’y nanlaban siya o di ka kaya’y nagpabaril sa Bagumbayan nang sa gayon ay mapipího pa niya ang kanyang kadakilaan. Dahil hindi siya namatay, ang kanyang buhay ay magiging walang hanggang kamatayan.”

 

Napakahusay ng pagganap ni Liesl Batucan bilang Apolinario Mabini.

Napakahusay ng pagganap ni Liesl Batucan bilang Apolinario Mabini.

 

Ilan sa mga memorableng linya para sa akin mula sa musikal ay ito:

“Mahirap man tayo, anak, ay may isa akong bagay na maaaring ipamana sa iyo: ang malinis nating pangalan. Kailan ma’y hindi namantsahan ang pangalang iyan ng gawaing sukat nating ikahiya. Hindi tayo nagnakaw o nanlamang sa kapwa, o kaya’y nag-asam ng hindi natin pinagpaguran. Pakaingatan mong hindi madungisan ang iyong dangal. Tandaan mo, anak, ang dangal ang ubod ng iyong pagkatao.”  —Dionisia, ina ni Mabini, na nangungusap sa kanyang panaginip

“O sumpa ng Panginoon na ako’y maging lumpo habambuhay! Kay sakit na […] mapagkaitan ng maliliksing mga paa na ipansusugod sa kaaway, ng malakas na mga kamay na makakahawak ng patalim, ng matipunong katawan na [ipambubuno] sa mga katunggali. Ito ba ang itinadhana sa akin–ang magkaroon ng maalab na pag-ibig para sa lupang tinubuan ngunit wlaang katapat na lakas upang lipulin ang mga kaaway ng bayan.”

“Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa. Huwag isumpa ang kaloob ng sansinukob. Ang iyong pagkalumpo’y [tatambalan] ng paninindigang higit pa ang tibay kaysa anumang binti at tuhod. Dahil tuyot na ang iyong mga paa, yayabong ang iyong isipan, titibay ang iyong kalooban, mamumukadkad ang iyong kaluluwa. Diyan manggagaling ang iyong kadakilaan na katumbas o higit pa ang anumang lakas na maihahandog ninuman sa himagsikan.”  —Pag-uusap nina Mabini at Dionisia sa panaginip

Ibig sabihin ng mabinì ay “mahinhin”. Sang-ayon sa pangalan ni Apolinario Mabini ang kanyang kalooban at pagkatao. Siya ay mandirigma, sabihin na nating sa mahinhin o mabinìng paraan. Napanatili niya ang kanyang integridad at hindi napasupil sa halina ng masaganang pamumuhay at posibleng katanyagan dulot ng mga Americano. Alam niya, sa palagay ko, na papailanlang sa kasaysayan ang kanyang mga ginawa at uusisain ang kanyang pagkatao. Sa ganito hindi siya nagkamali na piliin ang masaklap búhay na may paninidigan. Hindi man siya naging maginhawa, ang malinis naman niyang pangalan ay ipagbubunyi at igagalang ng mga susunod na henerasyon ng Filipino.

Ang ilan sa mga personalidad sa likod ng napakamakabuluhang musikal na Mabining Mandirigma:

Nicanor Tiongson, nagsulat ng libretto

Nicanor Tiongson, nagsulat ng libretto

 

Joed Balsamo, naglapat ng musika

Joed Balsamo, naglapat ng musika

 

Chris Millado, direktor

Chris Millado, direktor

 

Denisa Reyes, koreograpo, at Toym Imao, nagdisenyo ng set

Denisa Reyes, koreograpo, at Toym Imao, nagdisenyo ng set

 

Advertisements

3 thoughts on “Entry 096

  1. Ang husay ng pagkakasulat at ang gaganda ng larawan. 🙂
    Isa itong mahusay na pagpuna sa isang palabas.

    Nakatutuwa ang pagkahilig mo sa mga pagtatanghal sa teatro.
    Maraming salamat dahil isinasama mo ako minsan.
    Kahit pa madalas ay libreng panonood ang gusto ko. 🙂

  2. Dahil sa mga akdang tulad nito, lalo pang napapalaganap ang mga gawa, tao, aral, at kaisipan na hindi dapat malimot. Marangal ang lahing Pilipino! 🙂

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s