Entry 113


Intrapersonál

—Parito ka, aking Sarili.
Ano ang kinahinatnan
ng iyong paglalakbay
sa daigdig ng iba?
Nakatagpo ka ba
ng tatanggap sa iyo?
Nakapangusap ka ba
ng iibig sa iyo?
Kung wala’y magbalik
ka sa aking lamán
na matagal nang nananabik
sa mga bulong
ng iyong pagdaíng
dahil sa pigíl na sakít.
Walang iibig sa iyo
kundi akong naghihintay.
Hinayaan kitang maligaw
upang muli sa akin
ay magbalik,
dala ang iyong
natuyong luha
at napiping sigaw
at naupós na ningas.

—Ngunit káya ko pa
ang magpagala-gala
upang hanapin
ang di ko natitiyak.
Saká ako babalik
upang bigyan kang muli
ng búhay.

 

2017.03.28

Advertisements

I'd love to read your thoughts, too. Please leave a reply. ^^

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s